17 copy

PATOK sa mga turista ngayong summer season ang pakulo ng Baguio Country Club (BCC) sa kanilang Historical Theme Park Journey to the Wonders of the World.

Hindi na kailangang pumunta pa sa iba’t ibang bansa para makita ang mga makasaysayang lugar, tao at hayop na tiyak na magpapalawak sa kaisipan lalo na sa kabataan.

“Ginawa namin ito para pasayahin ang ating mga bisita ngayong summer season,para naman mag-enjoy sila habang nagpapalamig dito at isa itong kontribusyon namin sa turismo sa ating siyudad,” pahayag ni Andrew Pinero, corporate relations officer ng BCC.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Aniya, makikita rito ang ruins at naglalakihang statue ng great gods and goddesses ng Greece; sphinx at pyramid of Egypt; terracotta warriors ng China; fossils of dinosaur ages; dinosaur show at maraming iba pa.

Matatandaang sumikat din sa mga turista ang Christmas Village na naging pakulo rin ng mga empleyado ng BCC.

“Nakita namin ang success ng Christmas Village at dami ng mga bisita na nagtutungo sa Baguio tuwing Christmas season. Naisip namin na magkaroon ng atraksiyon kapag summer at gusto nating maengganyo ang mga turista na may bagong pasyalan at kaalaman sa kasaysayan ng mundo, habang nagpapalamig dito,” wika ni Pinero.

Ang theme park na tiyak na kapupulutan ng maraming aral at bagong kaisipan ay binuksan nitong nakaraang Abril 15 at bukas araw-araw mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi. Magtatapos ito sa Agosto. (Rizaldy Comanda)

[gallery ids="166937,166938,166939,166941,166942,166943,166944,166945,166946,166947,166948,166950,166951,166953,166954,166955,166956"]