Dalawang tagasuporta ng isang barangay chairman na kandidato para konsehal ang napatay habang nasugatan naman ang tatlong iba pa matapos silang pagbabarilin paglabas nila sa bahay ng kapitan sa Santiago, Agusan del Norte nitong Sabado ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Insp. Tito Gerado, hepe ng Santiago Municipal Police, nakilala ang mga napatay na sina Sherwin Panchita Generalao, 24; at Mario Leling Garredo.

Ginagamot naman sa ospital ang mga nasugatan na sina Romy Montero Garredo, 55; Roderick Morta, 32; at Joseph Fuentes Nuevo, 62, pawang taga-Barangay Hagupit, Santiago.

Batay sa salaysay ni Nuevo sa pulisya, nagpalipas sila ng gabi sa bahay ni Gerry Mabras, chairman ng Bgy. Hagupit at kandidato para konsehal, nang paglabas nila ay bigla silang pinagbabaril ng anim na lalaki na pawang nakasuot ng bonnet.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Mabilis na nakapagtago sa isang makapal na pader si Mabras, na pinaniniwalaang target ng mga suspek, kaya nakaligtas ito.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga suspek. (FER TABOY)