Ipinagdiwang nina Mary Jane Perso, Christian Peregrina, Anabelle Abion at Roderick Rosales ang kampeonato sa centerpiece event na zumba marathon ng Philippine Sports Commission-Laro’t Saya sa Parke Summer Games 2016 nitong Sabado, sa Imus Plaza.

Namayagpag si Perso sa dalawang oras at 30 minuto na zumbathon sa female 18-40 age group, kasunod ang 25-anyos na si Jexie Liz Beronina at Novo Ecijana-Antipolo City-based  freelance dancer Jerry Rose Marasigan sa walang tigil na indakan na kailangang nakakasabay sa galaw ng mga instructor.

Aktuwal na sumegunda lang si Peregrina sa male 18-40 class.

Nanguna sa women’s 41-60 ang 42-anyos na si Abion na Best in Costume winner din kasunod sina Zenaida Najal at Juvy Watson, habang 1-2-3 sa men’s division ang HTI-CEPZA team leader na sina Rosales, Vic Bayanin at Jonet Medina na pinarangalan na Wackiest Dancer.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Umabot sa 700 ang nakilahok sa zumba marathon.

Ang tatlong nagwagi sa chess ay sina Ricardo Salvador III, Stephen Fiorren Cavedo at Michael Joe Arceo, habang kid champion si Jean Paustine Salvador, at top girl si Zherna Ross Antonio.

Nagwagi naman sa basketball 3x3 ang junior boys ang Teams 28, habang nanalo sa girls class ang Team 5. Namayani sa volleyball ang Imus Institute, Batayang Pag-asa at Josiah.

Samantala, may 746 naman ang nakiisa sa LSP sa Luneta Park sa Ermita, Maynila na pagdarausan ng third and penultimate leg ng Summer Games. Aabot sa 426 ang nag-zumba, 89 ang nagbadminton,tig- 71 ang nag-volleyball at nag-chess,  43 ang nag-football, 28 ang nag-tennis, siyam ang senior citizens, lima ang nag-arnis at apat ang mga nagkaratedo. - Angie Oredo