Ipinasa ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang resolution na magbibigay ng karagdagang P10,000 premyo sa mga magwawaging kalahok sa lahat ng maiden races.
Sa kasalukuyan, pinagkakalooban lamang ng karagdagang premyo ang mga nagwawagi sa 2-year old at 3-year old maiden races. Sa bisa ng Resolution No. 32-16, na ipinasa nitong Abril 20, mabibigyan na rin ng karagdagang premyo ang iba pang lahok sa maiden races.
“In the interest of fairness and equality,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.
“The Commission deemed it proper to give the bonus to all winners of maiden races regardless of age. We trust that this incentive will serve as an encouragement to race participants and boost the sustainability of the sport,” aniya.
Ipinahayag din ni Sanchez na isasagawa ng Philracom ang ikatlong session ng “blood drive” sa Mayo 29, sa San Lazaro Leisure Park bilang pakikiisa sa programa ng Philippine Red Cross.
Aniya, ang programa ay bahagi ng isinusulong na ‘social responsibility programs’ ng ahensiya.
Inaaanyayahan ni Sanchez, ang lahat ng mga miyembro ng racing at breeding industry, gayundin ang kanilang mga pamilya na makiisa sa naturang ‘blood drive’.