Sinimulan na nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) ang pagsailalim sa full alert sa buong bansa para sa halalan sa Mayo 9.
Nabatid kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na kanselado na ang leave of absence ng lahat ng tauhan ng pulisya.
Ipina-recall na rin ang mga pulis na nasa schooling at sinimulan na rin ng PNP ang deployment ng puwersa sa mga lugar na nasa ilalim ng election watchlist.
Ayon sa ulat ni Mayor, napag-alaman na kabilang sa mga election hot spot ang Abra, Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Lanao del Sur, Maguindanao, at Western Samar.
Iniulat na sa susunod na linggo ay paiiralin na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong puwersa nito sa heightened alert status bilang paghahanda sa halalan. (Jun Fabon)