Ipinamalas ng mga fighter ng Sanman Boxing Stable, sa pangunguna ni Mike ‘Magic’ Plania, ang kahusayan nang walisin ang mga karibal sa boxing promotion nitong Sabado, sa Makati Square Cinema.

Nahila ni Plania ang ‘winning streak’ sa naitalang majority decision victory kontra sa liyamado at walang talong si Lorence Rosas para makopo ang bakanteng World Boxing Federation (WBF) International bantamweight title.

Nakuha ni Plania ang iskor ng hurado na si Gil Co (96-92) at Nowell Haduca (95-93), habang tabla ang iskor ni Jerrold Tomeldan sa 94-94.

“Nagpasuntok ako ng unang round para masukat yung lakas niya. Mahina naman, kayang kaya kaya sinabayan ko na,” pahayag ni Plania.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod ng panalo, nahila ni Plania ang marka sa 10-0, tampok ang apat na TKO.

“I was satisfied with Mike Plania’s performance. It was a good win,” sambit ni promoter Jim Claude “JC” Manangquil, chief executive officer ng Sanman Promotions.

Nagwagi rin ang tatlong stablemate ni Plania sa Brawl at the Mall: Undefeated nang maungusan ni reigning WBC Asia at WBF International featherweight champion John Vincent “Mulawin” Moralde ng Davao City si ex-PBF bantamweight champion Jimmy “Xcon Tirador” Aducal via split decision sa main supporting match.

“It wasn’t good but he (Moralde) got the job done. I (just) hope he learned a lesson to not underestimate anyone and should train harder in every fight,” pahayag ni Manangquil.

Naitala naman nina Marquil Salvana at Reymart Gaballo ang kumbinsidong panalo.

Pinabagsak ni Salvana si Lowell Saguisa ng Quezon City, may 2:32 sa first round, habang naitala ni Gaballo ang first round TKO kontra Marlon Arcilla ng Laguna.