Umalma ang mga may-ari ng karinderya sa biglaang pagpapatupad ng big-time price increase sa liquefied petroleum gas (LPG) ng mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron, kahapon ng umaga.

Dakong 6:00 ng umaga epektibong ipinatupad ng Petron ang dagdag-presyo na P1.55 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, o katumbas ng P17.05 sa bawat 11-kilogram na tangke nito.

Bukod dito, nagtaas din ang Petron ng 90 sentimos sa kada litro ng auto-LPG.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong taas-presyo sa LPG at Auto-LPG ng Petron kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Mabibili ngayon ang regular na tangke ng LPG ng Petron sa P504 mula sa dating P487.

Samantala, mariing tinutulan ng mga carinderia owner ang bagong pagtaas sa presyo ng LPG, na anila’y malaking kabawasan sa kanilang kita sa araw-araw. - Bella Gamotea