MAS tumitindi ang labanan sa pagitan ng “undecided ” votes at political alliances habang nadaragdagan ng mga bagong intriga sa hanay ng mga kandidato.

Kinumpirma ni Institute for Political and Electoral Reform Executive Director Ramon Casiple at iba pang political analyst ang pangunguna ni Duterte sa survey kung saan lamang siya ng 12 puntos sa pumapangalawang si Sen. Grace Poe, ngunit sinabi nito na hindi ibig sabihin nito na si Duterte na ang mananalo sa Mayo 9.

Kinuwestiyon naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga survey kung saan siya ay palaging kulelat bagamat siya ang nangunguna sa mga unibersidad at paaralan. “Voodoo surveys!” sigaw ng Senadora.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Pangulong Benigno Aquino III sa pangunguna nina Duterte at Marcos, tumatakbong pangulo at bise president ayon sa pagkakasunod, na nagpapaalala sa kanyang ng “diktadurya,” at nakiusap na huwag hayaang makapamuno ang mga ito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngunit habang papalapit na ang eleksiyon, ang mga ilang samahan sa pulitika, partikular na si Bicol region, ay mas minabuti nilang pumanig kay Sen. Grace Poe.

Ayon kay Ramon Casiple, may mga botante na hindi pa tuluyang nakapipili ng kanilang mamanukin na bumabase sa mga survey.

Sinabi ni Casiple na, “Marami sa kanila hindi pa final ang desisyon o makapag-decide ng agad-agad. Easily mga 30-40 percent ang mga yan. Ito ’yung mga nagbibigay ng wild swing dun sa mga ratings result.”

Base sa Social Weather Station survey, na isinagawa noong April 18-20, makikitang 33 porsiyento ng mga rehistradong botante ay pabor kay Duterte, sinundan siya ni Senator Grace Poe (24 na porsiyento mula sa 23 porsiyento), kasunod si DILG Secretary Mar Roxas (19 na porsiyento mula sa 18 porsiyento), at Vice President Jejomar Binay (14 na porsiyento mula 20 porsiyento).

“Trending” na tayo, masayang pahayag ni Digong.

Ngunit nagbabala si Sen. Miriam na paiimbestigahan niya ang naglabasang “voodoo surveys” kapag siya ang naluklok na pangulo sa Mayo 9.

“My first executive order will be to order an investigation of the commercial surveys,” pagbabanta niya nang makapanayam siya ng mga editor ng Manila Bulletin.

“We have to be very careful of these ‘voodoo surveys’ because they have become the kingmakers and not the voters.They dictate to us and precondition our minds...That is very dangerous (and) anti-democratic,”diin ni Santiago. (Fred M. Lobo)