Ang hindi pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso ay isang oportunidad para sa maraming nagsusulong ng kapayapaan upang makipagtalakayan sa susunod na administrasyon sa pagbuo ng isang panukalang batas na maging katanggap-tanggap para sa lahat at alinsunod sa Konstitusyon.

Ito ang tinukoy ni United Nations Development Programme (UNDP) Philippines Country Director Titon Mitra sa paglulunsad kamakailan ng “Support Peace-Bangsamoro Project” na layuning ipagpatuloy ang mga pagsisikap para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

“The point to underline is through the process of the non passage of the legislation, a number of issues had been raised which are quite significant,” sinabi ni Mitra sa paglulunsad ng €1.2-million (P63-milyon) European Union-supported project na ipatutupad sa taong ito hanggang sa kalagitnaan ng 2017. “There are many lessons there.”

Sinabi pa ni Mitra na positibo ang naging pahayag ng mga kandidato sa pagkapangulo tungkol sa usapin dahil sila “[have] reflected on the issue of the Bangsamoro”.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Para naman kay EU Ambassador to Manila Franz Jessen, mahalagang mapanatili ang pagpupursige sa prosesong pangkapayapaan upang hindi na mangangapa pa ang bagong administrasyon at sa halip ay ipagpatuloy ang “good work that has been done so far”.

“What's important for us in EU is the direction is one that is promising,” sinabi ni Jessen sa mga mamamahayag. “For the past years there has been decrease in violence and that is very welcome.” - Roy C. Mabasa