FOLLOW-UP ito sa sinulat namin last week tungkol sa makahulugang Twitter post ni Direk Nuel Naval na, “Kailangang magtapatan talaga, hindi ba puwedeng magtulungan na lang?”
Tinapatan kasi ng Star Cinema movie nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado ang This Time na idinirihe niya na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.
Originally, April 27 ang playdate ng movie nina Jen at Lloydie, pero dahil hindi pa tapos ang post-production at promo kaya umurong sa Captain America: Civil War at mas pinili na JaDine ang matapatan.
Magkahalong negatibo at positibo ang nag-react sa post ni Direk Nuel at ang ikinatwiran niya, “I wish I’m just a director, pero tao rin ako (nasasaktan).”
Sa presscon ng This Time sa Le Reve Events place nitong nakaraang Sabado, hiningan ng reaksiyon si Direk Nuel tungkol sa isyu.
“Sabi ko nga, I wish I’m just a director, pero tao rin pala ako. Nasaktan ako kasi I’ve been a Kapamilya for more than 20 years and JaDine is also a Kapamilya at nagtaka ako bakit kailangang mangyari ‘yun.
“And I question, sabi ko, ‘sana magtulungan instead magtapatan. But then again, I just want positivity, hayaan na lang,” pangangatwrian ni Direk Nuel.
Kung papipiliin, ano nga ba ang mas gusto niyang tapatan, foreign film tulad ng Captain America o local film?
“Well, ako kasi, corny man ito, sabi nga ni Heneral Luna, ‘ang totoong kalaban ng mga Pilipino, Amerikano’ so sana hindi mga Pilipino ang mga kalaban natin, sana Amerikano.
“Maliit lang ang industriya, so ako, sana hindi nagtapatan. Kaya ko naman ito nasasabi is because nasasaktan dahil mahal ko sila, mahal ko ang Star Cinema, mahal ko ang ABS, Kapamilya nga ako. So that’s why masakit sa akin, kung hindi ako Kapamilya, it wouldn’t have matter actually, kebs ko ba,” klarong paliwanag ni Direk Nuel.
Hirit naman ng nagsulat ng This Time na si Ms. Mel del Rosario, kung ang tumapat Seiko (Films), Amazaldy (Films), ang luma... o kaya El Nino (Films), hindi sasama ang loob, okay na ‘yan.
“Well it felt like Philippines and China na over Spratly. ‘Yun ‘yung unang naramdaman ko, I was surprised and talaga namang sumama ang loob ko being a Kapamilya myself.
“And then after that said, I tried to understand ‘yung business decision they had to, parang ganu’n. Sabi na lang namin, just focus on the movie na mas pagandahin... tapusin nang maganda sa post (production) ganyan.
“We agreed na we will not dwell on a negativity na bakit tinapat, ganyan, pero siyempre may first reaction really was ah... the 52 Wednesdays ng 2016, talagang iyon ang napili? That was the first human reaction then I process, okay na kami.”
Certified Kapamilya rin si Ms. Mel del Rosario at ang mga sumulat ng hit teleseryes tulad ng Be Careful With My Heart, Kahit Puso’y Masugatan, Mundo Ma’y Magunaw at maraming iba pa at siya rin ang creative manager ng Star TV.
Pasasaan ba’t maaayos din ang isyung ito nina Direk Nuel/Ms Mel at Star Cinema bosses. --Reggee Bonoan