LONDON (Reuters) – Walang ginagawa ang halos kalahati ng 500 pangunahing investor sa mundo upang tugunan ang climate change sa pamamagitan ng kanilang pamumuhunan, ibinunyag kahapon ng isang pag-aaral.
Natuklasan sa ulat ng Asset Owners Disclosure Project (AODP), isang not-for-profit organization na layuning mapag-ibayo ang pangangasiwa sa climate change, na nasa ikalimang bahagi lang ng mga pangunahing investor sa mundo—o 97 na may kabuuang $9.4 trillion assets—ang nagpapatupad ng mga hakbangin upang maibsan ang epekto ng global warming.
Nasa 157 investor na may kabuuang $14.2 trillion negosyo ang nagpatupad na ng “first steps” para matugunan ang climate change, habang 246, na may $14 trillion assets, ang dedma sa usapin, ayon sa report.