NEW YORK (AP) - Sumakabilang-buhay na si Rev. Daniel Berrigan, isang paring Katoliko at peace activist na nakulong matapos niyang sunugin ang mga dokumento upang iprotesta ang Vietnam War. Siya ay 94 anyos.

Namatay si Berrigan sa Murray-Weigel Hall, isang Jesuit health care community sa New York City matapos labanan ang “long illness”, ayon kay Michael Benigno, tagapagsalita ng Jesuits USA Northeast Province.

“He died peacefully,” ani Benigno.

Nakilala si Berrigan at ang kanyang nakababatang kapatid na si Rev. Philip Berrigan, bilang mga leader ng radical anti-war movement noong 1960s.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'