Taliwas sa inaasahan ng marami, wala pa ring inendorso si Bro. Mike Velarde, lider ng El Shaddai, sa hanay ng mga presidentiable at vice presidentiable na sasabak sa eleksiyon sa Lunes.

Sa halip, sinabi ng Catholic charismatic leader na idadaan sa survey ang mga El Shaddai member upang matukoy kung sino ang kanilang napupusuang kandidato, lalo na sa pagkapangulo at pagka-bise presidente.

Nakasaad sa survey ang tanong kung sino ang kanilang iboboto sa mga presidentiable: Vice President Jejomar, Sen. Grace Poe, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sa mga vice presidentiable, kabilang naman sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo, Senators Alan Peter Cayetano, Francis “Chiz” Escudero, Gringo Honasan, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Antonio Trillanes IV.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa limang presidential candidate, tanging sina Binay, Poe at Roxas lamang ang dumalo sa overnight prayer vigil sa Amvel Park sa Parañaque City nitong Sabado. Habang ang sumipot naman sa mga vice presidentiable ay sina Marcos at Escudero.

Binigyan ni Velarde ng pagkakataon ang mga dumalong kandidato na makapagsalita sa harap ng libu-libong miyembro ng El Shaddai matapos ang misa.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Binay na kung siya ay maluluklok sa Malacañang ay pangangalagaan niya ang pagkasagrado ng buhay ng tao.

“I have dedicated my life to fighting for the poor: as a human rights lawyer during martial law, as mayor of Makati and as your Vice President. My presidency will be one that respects and upholds the dignity of women, children and the marginalized. My presidency will promote respect for human rights and the value of life,” pahayag ni Binay. - Leslie Ann G. Aquino