Andre Berto, Victor Ortiz

CARSON, California (AP) — Pinabagsak ni Andre Berto si Victor Ortiz ng dalawang ulit sa ikaapat na round tungo sa matikas ng technical knockout at maiganti ang kabiguang nalasap may limang taon ang nakalilipas nitong Sabado (Linggo sa Manila, sa Stubhub Center dito.

Nakabawi si Berto (31-4, 24 KOs) sa pagkakabagsak sa ikalawang round at kaagad na pinaliguan ng suntok si Ortiz na unang napaluhod nang kanyang tamaan ng kanang uppercut.

Muli itong tumumba nang tamaan ng kombinasyon. Nagawang makatayo ng Ortiz ngunit hindi ito sumasagot sa tanong ni referee Jack Reiss, sapat para itigil nito ang laban, may 1:14 ang nalalabi sa ikaapat na round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I wasn’t hurt by the first knockdown, more mad at myself for getting caught,” pahayag ni Berto.

“Once he went down it was over, I knew he was hurt and I went right after him. He couldn’t take my power.I feel terrific, it’s a great comeback victory,” aniya.

Nagbalik-aksiyon si Berto matapos matalo kay dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa kanyang huling laban bago magretiro sa nakalipas na taon.

Bagsak naman ang dati ring WBC welterweight champion na si Diaz sa 31-6-2 karta.