Tiniyak mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na mas handa ang poll body ngayong May 9 national and local elections kumpara sa halalan noong 2010 at 2013.
Ngunit sa kabila nito, aminado si Bautista na hindi matitiyak ng Comelec na walang aberyang mangyayari sa mismong araw ng halalan, lalo na sa mga vote counting machine (VCM), sa Lunes.
Dahil dito, siniguro ni Bautista na may nakaantabay na 5,000 VCM na magagamit sakaling magkaroon ng aberya ang mga makina.
Naipadala na umano, ayon kay Bautista, ng Comelec ang lahat ng VCM sa mga polling precinct sa bansa. - Mary Ann Santiago