Patay ang isang lalaki habang nasugatan ang kanyang misis matapos na makasagasa ng tumatawid na aso ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Lumil Pooc Road sa Barangay Pooc, Silang, Cavite, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Supt. Robert R. Baesa, hepe ng Silang Police, ang nasawi na si Renante Yuson Jalotjot, 46, ng Lot 8, Block 16, Tieracon Dita, Sta. Rosa City, Laguna.

Sugatan sa insidente ang kanyang asawa na si Rosalinda Bayan Jalothot, 46 anyos.

Idineklarang dead on arrival si Renante sa Estrella Hospital dahil sa pagkabagok ng ulo at pagkabali ng buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Probinsya

Lalaking 3 beses umanong ginahasa, ginilitan sariling rapist!

Sinabi ni PO3 Arjell Joseph B. Vergara na minamaneho ni Renante ang kanyang Honda motorcycle habang angkas ang kanyang misis nang biglang tumawid ang isang askal (asong kalye), dahilan upang sumadsad ang kanilang sasakyan at tumilapon ang mag-asawa.

Ayon sa ilang saksi, nasagasaan ng motorsiklo ang aso subalit nakatakbo pa rin ito palayo sa lugar. - Anthony Giron