Laro ngayon (Smart-Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Alaska vs.Meralco

Wala na ang sobrang kumpiyansa, kailangan tiyak ang mga galaw para tiyak din ang panalo.

Ito ang sinabi ng leading Best Player of the Conference candidate Calvin Abueva sa nakatakdang pagtutuos nilang muli ng Meralco sa Game Four ng kanilang best of five semifinals series para sa 2016 PBA Commissioner’s Cup ngayong gabi, sa Smart Araneta Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Hindi kami puwedeng mag-relax sa Game Four. May two days na rest so makaka recover ang mga ‘yan (Meralco). Kailangan lalo pa naming pagpursigihin,” sambit ni Abueva makaraang maitala ang 92-72 panalo sa Game Three na nagbigay sa Aces ng 2-1 bentahe sa serye.

Nagtala si Abueva ng 23 puntos at 18 rebound sa naturang panalo upang makabangon sa kanilang 87-92 kabiguan sa Game Two kung saan inamin nito na naging kumpiyansa sila matapos makalamang ng 14 na puntos sa fourth period.

Sa kampo ng Bolts, dobleng kayod at effort ang kailangan nilang ipakita para makasabay sa Alaska at buhayin ang tsansa na maipuwersa ang do or die Game Five.

“At this point of the season, you can’t afford to come out and not be on top of your game especially against a team like Alaska,” pahayag ni Jimmy Alapag matapos ang tila petiks- petiks na larong ipinakita ng Bolts.

“We had to clean up going on today’s game” aniya. - Marivic Awitan