Anne Curtis

WALA pa ring tatalo sa ABS-CBN sa larangan ng pagpoprodyus ng mga programa sa telebisyon na angkop para sa pamilya at nagpapalaganap ng family values. 

Ang nangungunang media and entertainment na kumpanya sa bansa ang hinirang na Student Leaders’ Choice of TV Network for Promoting Family-Oriented Values sa ika-12 na USTv Awards, na idinaos nitong nakaraang linggo sa loob ng University of Santo Tomas campus. 

Ito ay isa sa tatlong Choice TV Network award na tinanggap ng ABS-CBN ngayong taon mula sa USTv, na kumikilala sa mga programa at personalidad na nagpapalaganap ng Thomasian values at turo ng Simbahang Katolika.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

 Dalawmapu’t lima sa 34 na awards na ipinabigay ang iniuwi ng ABS-CBN, kabilang ang bigating awards at ang Student Leaders’ Choice of TV Network for Entertainment at Student Leaders’ Choice of TV Network for New Media.

Ang mga nanalong programa sa entertainment category ay pinangunahan ng KrisTV (Students’ Choice of Magazine Program), kasunod ang Home Sweetie Home(Students’ Choice of Comedy Program), The Voice Kids (Students Choice of Reality/Game Show), Tonight With Boy Abunda (Students’ Choice of Talk Show), On The Wings of Love (Students’ Choice of Drama Program).

Ang Kapamilya stars na kinilala ng student award-giving body ay pinamunuan ni Anne Curtis (Students’ Choice of Variety Show host), na sadyang kinabaliwan ng mga manonood nang kumanta at mag-perform sa entablado ng Halik ng Aegis, at sinamahan naman siya nina Alex Gonzaga(Students’ Choice of Reality/Game Show Host), Kris Aquino (Students’ Choice of Magazine Program Host), at Boy Abunda (Students’ Choice of Talk Show Host). 

Pinarangalan din sina Atom Araullo (Students’ Choice of Social Media Personality at Student Leaders’ Choice of TV Personality), Gretchen Ho (Students’ Choice of Personality for Social Media Development), at Dyan Castillejo (Students’ Choice of Sports Program Personality).

Samantala, bukod sa mga nabanggit na awardees sa taas, pinangaralan din ang #Nazareno2015 (Students’ Choice of Social media Campaign for Catholic Formation) sa new media category. Kasama rin nito ang #TrafficPatrol (Students’ Choice of Social Media Campaign for Social Action), #CourtesySeries (Students’ Choice of Social Media Campaign for Socio-Cultural Development), “Justice for Pamana” ng Matanglawin (Students’ Choice of Social Media Campaign for Environmental Protection), #Halalan2016 (Students’ Choice of Public Service Announcement for National Election at Student Leader’s Choice of 2016 Election Awareness Program). Hindi rin nagpahuli ang News and Current Affairs campaign and program, “Ipanalo ang Pamilyang Pilipino” (Student Leaders’ Choice of Election Station ID), “Sports U” (Students’ Choice of Sports Program), at ang flagship news program ng network na TV Patrol (Students’ Choice of News Program) ay nakakuha din ng kani-kanilang tropeo.

Ang pamamayani ng Kapamilya Network sa USTv awards ang kumumpleto sa matagumpay na student awards season  para sa ABS-CBN na panalo ring Best TV Station sa ika-14 na Gawad Tanglaw Awards, 2016 Platinum Stallion Awards, 3rd Paragala Awards, 3rd UmalohokJuan Awards, at 2nd Aral Parangal Awards.