DARAGA, Albay - Magkakaroon ng kaganapan ang target ng Albay na limang milyong turista, US$1-billion investments at 235,000 bagong trabaho pagsapit ng 2025 kapag nakumpleto na ang Bicol International Airport (BIA) sa binagong deadline nito.

Pinasinayaan ng gobyerno ang bagong tapos na runway nitong katapusan ng Abril at pasisimulan ang gawain sa airport terminal sa Barangay Alobo sa bayang ito matapos ang ilang pagkaantala.

Masugid na tinutukan ni Albay Gov. Joey Salceda ang BIA, na kanyang ideya bilang chairman ng Bicol Regional Development Council sa loob ng siyam na taon. Inaasahang makahihikayat ito ng mas maraming turista at pamumuhunan na makatutulong sa pagpapaunlad pa sa Southern Tagalog at Bicolandia.

“Tiwala kami na magkakaroon ng kaganapan ang target namin sa 2025 na limang milyong turista, na ang 1.8 milyon ay mga banyaga. Nangangahulugan ito ng mga $1-billion investments at lilikha ng 235,000 trabaho sa susunod na 10 taon,” dagdag ng gobernador. Sentro rin ng BIA ang P4.4-bilyon Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi (GUICADALE) Economic Township, isa pang proyekto ng gobernador.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay kaugnay ng pagkakadeklara ng Department of Tourism (DoT) sa lalawigan bilang isang “tourism powerhouse”, bukod pa sa kinilala rin ito ng Pacific Asia Travel Association CEO Challenge bilang bagong “global frontiers destination” at tumatanggap ngayon ng “branding assistance” ng Trip Advisor.