PANIQUI, Tarlac - Naglunsad na ng follow-up investigation ang mga pulis laban sa dalawang lalaki at isang babae na tumangay sa isang D4D Toyota Commuter Vehicle sa highway ng Paniqui, matapos igapos at itapon ang driver ng sasakyan sa Barangay Asan Sur, Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa report ni PO3 Julito Reyno, piniringan at iginapos ang mga paa’t kamay ni Joel Orbillo, 33, binata, ng Sitio Balza, Bgy. San Isidro, Paniqui, bago itinapon sa highway ng Bgy. Asan Sur sa Pozorrubio, Pangasinan.

Napag-alaman na sinaksak din ng tatlong carnapper si Orbillo, na agad isinugod sa ospital para malunasan.

Sinabi ni Orbillo na nangyari ang insidente pasado 8:00 ng gabi nitong Biyernes, nang itabi niya ang sasakyan (XY-6786) sa gilid ng highway sa Paniqui para umihi, pero bigla siyang nilapitan at tinutukan ng baril ng tatlong hindi nakilalang carnapper at pinabalik sa loob ng sasakyan. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?