Inihambing ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang kanyang katunggali sa pagkapangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Vice President Jejomar Binay sa istilo ng dalawa sa pagtugon sa isyu ng katiwalian.

“Parehas na ba kayo ni Vice President Binay na umiiwas sa katotohanan? Umiiwas sa pagtingin dito sa bank accounts ninyo? Magpakatotoo po tayo, Mayor Duterte. Inaasahan ng mga kababayan natin ang buong katotohanan at walang iba,” pahayag ni Roxas.

“Ano ang ipinagkaiba ng kanyang sinasabi sa sinasabi ni Vice President Binay? Sa kay Vice President Binay, simpleng-simple lang rin ang tanong: Papaano nagkaroon ng report ang AMLC na bilyon-bilyong piso ang dumaan sa kanyang accounts, kasama na si Ebeng Baloloy at iba pang mga assistants at kasama niya sa Makati City? Iyon at iyon din lang ang ating itinatanong kay Mayor Duterte,” dagdag ng pambato ng administrasyong Aquino.

Unang inakusahan si Binay ng pagkamkam ng bilyong pisong halaga sa umano’y overpricing ng iba’t ibang proyekto sa Makati City noong ito pa ang alkalde ng siyudad.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, nasa sentro ng kontrobersiya si Duterte matapos siyang akusahan ni vice presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV na may nakadepositong P211 milyon sa isang sangay ng BPI na hindi umano idineklara ng alkalde sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN). (Aaron Recuenco)