MADRID (AP) – Nakahukay ang mga naglalatag ng mga tubo sa isang parke sa katimugang Spain ng 600 kilo ng Roman coin, na ayon sa mga culture official ay isang kakaiba at makasaysayang tuklas.
Sinabi ng Seville Archaeological Museum na nahukay ng mga obrero ang 19 na amphora o plorera na naglalaman ng libu-libong hindi pa nagamit na bronze at silver-coated coin na nagmula pa sa ikaapat na siglo.