Tatanggap ng dagdag na suweldo ang mga magtatrabaho ngayong araw (Mayo 1), matapos itong ideklara ng Malacañang bilang regular holiday para sa paggunita ng Labor Day, sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Sa isang advisory, nilinaw ng DoLE-Bureau of Working Condition (BWC) na ang mga magtatrabaho sa panahon ng pagdiriwang ay tatanggap ng dobleng bayad sa kanilang regular na suweldo.

Tatanggap din sila ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang hourly rate kapag nagtrabaho sila nang lagpas sa walong oras sa holiday.

Kapag tumama ito sa kanilang rest day, tatanggap din sila ng karagdagang 30% ng kanilang daily rate.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Gayunman, ang mga empleyado na hindi magtatrabaho sa araw na ito ay matatanggap pa rin ang kanilang kumpletong suweldo. (Samuel Medenilla)