Gawing prioridad ang trabaho.

Ito ang apela ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko sa mga kandidatong magwawagi sa eleksiyon sa Mayo 9.

Nanawagan si Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, kaugnay ng paggunita ngayong Linggo ng Labor Day.

“There has always been a call for our nation’s leaders to generate more jobs for its citizens. In fact we are hearing this promise from all candidates during this election season and indeed jobs should be at the top of their agenda once elected,” ani Santos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“The reality, however, is that more and more Filipinos are seeking jobs abroad. This is because they cannot earn here the money they earn in foreign countries. This is shown in the amount of remittances they bring in to our economy,” dagdag niya.

Aniya, mahalaga na determinadong tugunan ng gobyerno ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.

At bagamat kabi-kabila ang mga job fair sa bansa ngayong Labor Day, sinabi ng opisyal ng CBCP na nakalulungkot na pawang sa ibang bansa ang mga trabahong iniaalok sa mga aplikante.

“Filipinos should work abroad by choice and not because they are forced by dire circumstances in their own country,” sabi pa ni Santos.

Una nang inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mayroong 54 na job fair sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Labor Day, para punuan ang 167,924 na job vacancy ng 1,112 employer. (LESLIE ANN G. AQUINO)