Boy copy copy

NANAWAGAN si Boy Abunda ng taimtim na pagdarasal ng lahat na Pilipino para sa nalalapit na eleksiyon. Aniya, bago tumungo ang mga botante sa voting centers, bukod sa pagsusuring mabuti sa mga ibobotong kandidato ay humingi din sana muna ng “guidance” mula sa Diyos ang lahat. 

Ipinaalala rin ni Boy na sana ay seryosohin ang elections at ang gagawing pagboto. 

“What matters the most talaga, eh, ‘yung character ng iboboto natin,” sey ng premyadong TV host.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Diretsahang namin siyang tinanong kung sino sa limang tumatakbo sa pagkapresidente ang nagtataglay ng character na hinahanap niya. 

“Well, kilala n’yo naman ako, hindi porke close ako sa administrasyon, pero naniniwala ako na pagdating sa character, eh, na kay Secretary Mar Roxas. Nakikita ko sa kanya na he is a good man. And I will be for him this May 9,” diretsahan ding sagot ng host ng Tonight With Boy Abunda. 

Isa si Boy sa showbiz personalities na dumating sa Araneta Coliseum nitong nakaraang Huwebes para sa “Let’s Vote 5” na inorganisa ng mga kabataang sumusuporta Mar Roxas and Leni Robredo tandem. 

Banggit pa ni Kuya Boy, matagal siyang nakasama sa mga “undecided” pero nakapagdesisyon na siya nagdeklara nang susuportahan niya si Mar Roxas na ayon sa kanya ay boto para sa pamilyang Pilipino at kabataan.

“For me, this is an advocacy,” tugon ng itinuturing na isa sa mga haligi ng broadcast industry. 

Kinulit namin si Kuya Boy kung bakit si Mar Roxas ang napili niyang suportahan. 

“For me, Roxas is the most brilliant, most comprehensive, and most thorough among the six running for presidency.

Hindi siya perpektong tao and I am voting for him dahil hindi siya perfect. And he does not present himself to me as someone perfect,” may diing sagot ni Boy Abunda. 

Dagdag pa ng mahusay na TV host, malaki ang paniniwala niya na ang administrasyon ni Mar Roxas ang magpapatuloy sa magandang ehemplo ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino. 

“Malaki ang paniniwala ko na ang administrasyon sa kasalukuyan, eh, hindi nagnakaw ng pera ng bayan at ‘yun ang ipagpapapatuloy ng administrasyon ni Mar Roxas dahil hindi magnanakaw si Noynoy Aquino at hindi magnanakaw ang isang Mar Roxas,” banggit pa rin ng mahal ng lahat na si Boy Abunda. (JIMI ESCALA)