Naghihintay ng lagda ni Pangulong Aquino upang maging ganap na batas ang pinagtibay na panukala na nagdedeklara bilang national shrine sa makasaysayang Balete Pass sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Ipinasa ng Kamara ang House Bill 844 tungkol dito at inaprubahan naman ng Senado nang walang susog ang panukala noong Pebrero 2, 2016, bago nag-adjourn ang Kongreso.

Sinabi ni Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos M. Padilla, pangunahing may akda ng panukala, na ang Balete Pass ay sumasagisag sa magiting na pagtatanggol ng mga kawal na Pilipino at guerilla fighters, kasama ang 25th Infantry Division ng United States Armed Forces of the Far East, laban sa puwersang Japanese noong World War II.

Aniya, sa bisa ng Proclamation No. 653, ang Battle of Balete Pass ay ipinagdiriwang taun-taon, Mayo 10-13. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito