ANG Mayo 1 ay Araw ng Paggawa, isang araw na minamarkahan ng pulang numero upang bigyang-pugay ang milyun-milyong Pilipinong manggagawa dito at sa ibang bansa, gayundin sa sektor ng paggawa. Ipinagdiriwang ng bansa ngayong taon ang ika-114 na Araw ng Paggawa, na ginugunita walong araw bago ang pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo 9.

Nakatuon ang Araw ng Paggawa sa kahalagahan ng maayos at produktibong ugnayan ng employer at empleyado, pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, reporma sa sektor ng paggawa, at sapat at disenteng mga trabaho para sa mga Pilipino. Ito ang panahon upang kilalanin at bigyang-pugay ang hindi matatawarang ambag ng puwersa ng paggawa ng bansa, at ng milyun-milyong overseas Filipino worker (OFW) at manlalayag sa pagsulong ng ekonomiya at lipunan.

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa at magsasagawa ng diyalogo sa mga grupo ng manggagawa. Sa okasyong ito, posibleng ihayag ang mga hakbangin at karagdagang benepisyo na pinagsikapang igiit ng gobyerno upang matulungang mapaginhawa ang sitwasyon ng mga manggagawa.

Ang tema ngayong taon, “Kinabukasan Sigurado sa Disenteng Trabaho”, ay nagbibigay-diin sa mga pagsisikap ng gobyerno sa pagpapaunlad ng puwersang manggagawa ng bansa at paglikha ng mga disente at produktibong trabaho. Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DoLE), katuwang ang mga pribadong kumpanya at mga recruitment agency, ng magkakasabay na Labor Day job fair at career fair sa 44 na lugar sa 17 rehiyon ng bansa. Sa unang pagkakataon, maglulunsad ang Pangasinan ng gabing job market sa kapitolyo, upang mapagbigyan ang mga naghahanap ng trabaho na hindi nakapunta ibang regular na job fair dahil may ibang pinagkaabalahan sa maghapon.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Nagsasagawa ang DoLE ng pag-aangkop ng trabaho sa aplikante sa pamamagitan ng mga job fair, kaya mas madali at mas mabilis na para sa mga ito ang maghanap ng trabaho na angkop sa kanilang kuwalipikasyon, interes, at napipisil na career. Sa malawakang job fair ngayong taon, nasa 1,000 kumpanya—800 local employer at 200 overseas employer—ang may mahigit 200,000 trabahong iniaalok. Ang mga one-stop-shop, na pinangangasiwaan ng National Bureau of Investigation, Philippine Statistics Authority, Social Security System, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, Professional Regulations Commission, Bureau of Internal Revenue, at Philippine Postal Corporation ang idaraos sa iba’t ibang lugar ng job fair upang magkaloob ng mabilisan at libreng access ang mga aplikante sa mga kinakailangang dokumento at pre-employment support. Kabilang sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Araw ng Paggawa ang Diskwento Caravan upang magbenta ng mga pangunahing produkto sa may diskuwentrong halaga, paying pangkabuhayan, pagsasanay, at franchising exhibit.

Ipinagdiwang ng Pilipinas ang una nitong hindi opisyal na Araw ng Paggawa noong Mayo 1, 1903, sa panahon ng Amerikano sa pamamagitan ng isang kilos-protesta sa harap ng tahanan (Malacañang ngayon) ng gobernador-heneral.

Inorganisa ito ng Union Obrero Democratico de Filipinas, ang unang samahan ng mga manggagawa sa bansa, upang igiit ang mga karapang pang-ekonomiya ng mga manggagawa at ang patas na mga kondisyon sa pagtatrabaho. Ang walong-oras kada araw na trabaho, kabilang ang iba pang karapatan ng mga manggagawa, ay ipinagkaloob kalaunan sa mga Pilipino.

Ang unang opisyal na selebrasyon ay noong Mayo 1, 1913, matapos itatag ang Congreso Obrero de Filipinas. Simula noon, ang Araw ng Paggawa sa Pilipinas ay ipinagdiriwang nang buong kasiyahan.