BAGUIO CITY – Bilang paggunita sa Labor Day, inihayag ng pamahalaang lungsod ng Baguio at Department of Labor and Employment (DoLE)-Cordillera na mag-aalok ito ngayon ng 13,330 trabahong lokal at sa ibang bansa mula sa 41 kumpanyang kalahok sa Job Fair sa Baguio Convention Center.

“Some 29 local companies and 12 overseas employment agencies will be offering the aforesaid number of jobs to interested applicants from the city and the neighboring towns of BLISTT area of La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay,” sabi ni Jose Atanacio, manager ng Public Employment Service Office (PESO) ng siyudad.

Aniya, nasa 11,605 ang trabahong iaalok ng mga overseas employment agency, habang may 1,725 bakanteng trabaho naman mula sa mga lokal na kumpanya. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito