WASHINGTON/HK (Reuters) – Tinanggihan ng China ang hiling ng isang U.S. carrier strike group, sa pangunguna ng USS John C. Stennis, na makabisita sa Hong Kong, sinabi ng U.S. Defense Department sa harap ng tumitinding tensiyon kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Commander Bill Urban, tagapagsalita ng Pentagon, hinarang ng China ang pagbisita sana ng grupo ng mga barko ng Amerika sa Hong Kong sa kabila ng “long track record of successful port visits to Hong Kong.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina