Umapela sa gobyerno ang Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate na si Win Gatchalian na itaas ang minimum wage dahil hindi na ito sapat upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga maralitang pamilya.

“Minimum wage earners are living dangerously. They can be driven to poverty at any given time because they live from hand-to-mouth with their wages. They don’t have savings to keep them afloat during emergency,” pahayag ni Gatchalian, senior vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Si Gatchalian, na kasalukuyang kongresista ng Valenzuela City, ang natatanging kandidato sa pagkasenador na tumatakbo sa ilalim ng Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Chiz Escudero.

Iginiit ni Gatchalian ang pagsusulong sa dagdag-sahod sa kabilang ng pagkontra ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na itaas ang minimum wage na hinihiling ng mga grupo ng manggagawa.

National

Mga nasawi dulot ng paputok, umakyat na sa apat — DOH

Sinabi ni Baldoz na magpupulong pa ang wage board upang talakayin ang petisyon para sa P154 wage hike petition na inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Base sa pag-aaral ng IBON Foundation, ang isang pamilya na may limang miyembro sa National Capital Region ay nangangailangan ng P906.67 upang matustusan ang kanilang araw-araw na pangangailangan habang ang may anim na miyembro ay nangangailangan ng P1,088.