MARAMING Pilipino ang tumututok sa mga programa ng ABS-CBN hindi lamang sa telebisyon kundi pati na rin online.

Sa isinagawang survey ng Kantar Media noong Marso, ang Kapamilya Network ang pinakatinutukan ng mga kabahayang may telebisyon sa nakuhang average audience share na 44% mula sa pinagsamang urban at rural na mga kabahayan laban sa 35% ng GMA-7.

Habang patuloy ang mataas na TV ratings, marami rin ang nanonood ng mga programa ng ABS-CBN sa Internet, katunayan lang na hindi na lamang ito “TV network”. Sa pamamagitan ng iWantTV, ang pinakaunang video-on-demand at live streaming website ng isang local na network, narerespondehan ng kumpanya ang kagustuhang makapanood ng publiko ng mga programa online, anumang oras nila gustuhin at saan man sila naroroon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Umabot sa 34.42 million views ang nakuha ng website, kabilang ang 5.38 million views sa livestreaming ng ABS-CBN.

4.43 million views dito ay gamit ang mobile app ng iWant TV, na nagagamit ng mga subscriber ng ABS-CBNmobile, ang sariling mobile telephony company ng ABS-CBN. Ang mga programang pinakapinanood sa iWant TV ay Dolce Amore (6.89 million page views), FPJ’s Ang Probinsyano (5.20 million), most-watched daytime program Be My Lady (2.11 million views), at And I Love You So (1.70 million views).

Patuloy naman na namamayagpag ang ABS-CBN sa primetime block pagkatapos magtala ng average audience share na 49% kumpara sa 33% ng GMA-7, sa pangunguna ng Ang Probinsyano (41.2%) at Pilipinas Got Talent Season 5 (35%).

Kasama ng Probinsyano at PGT 5 sa Top 10 programs ang Dolce Amore (34.5%), Maalaala Mo Kaya (32.9%), Wansapanataym (29.5%), ang tanging newscast sa Top 10 na TV Patrol (28.3%), Home Sweetie Home (24.3%), at Rated K(23.7%).

Namamayagpag din ang Lopez-led media company sa noontime at afternoon blocks na humamig ng 43% and 40% nationwide audience shares kumpara sa 36% at 38% ng GMA sa dalawang time blocks. Panalo rin ito sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) kung saan pumalo ito sa national average audience share na 45% kontra 37% ng GMA; sa Visayas sa audience share na 55% kontra 26% ng kalaban; at sa Mindanao na may 55% kontra 28%.