Iiwanang pamana ng administrasyong Aquino ang paglikha ng karagdagang trabaho.

Sa nalalabing dalawang buwan ng kanyang panunungkulan at kaugnay sa paggunita ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na mamamayan ang nabigyan ng trabaho sa ilalim ng kampanya ni Pangulong Aquino na “Daang Matuwid.”

“Ang mahalagang maunawaan natin, at maunawaan ng ating mga kababayan ay ang mga nagawa ng pamahalaan para sa kabutihan ng mamamayan,” pahayag ni Coloma.

Aniya, malaki rin ang ibinaba ng unemployment rate sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno.

National

Davao Occidental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Base sa January 2016 Labor Force Survey na inilabas nitong Marso, bumaba ang unemployment rate sa 5.8 porsiyento mula sa 6.6 porsiyento noong 2015.

Ito ang pinakamababang antas sa lahat ng survey ng Enero sa nakalipas na 10 taon.

Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala sa ilalim ng “Daang Matuwad,” naibalik, aniya, ng administrasyong Aquino ang magandang klima sa larangan ng pamumuhunan at kalakalan sa bansa.

Marami ring naitayong pabrika at negosyo kaya nagkaroon ng karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga Pinoy. (Madel Sabater-Namit)