Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong sumusuporta sa muling pagbuhay ng parusang bitay o death penalty.

Ayon kay CBCP-Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rodolfo Diamante, bukod sa labag sa turo ng Simbahan ang parusang bitay ay hindi rin ito solusyon sa pagsugpo sa mga krimen sa bansa.

“We are against it. Everybody deserves a second chance in life,” aniya pa.

Sinabi pa ng CBCP official na sa halip na buhayin ang death penalty, ang dapat na isulong ng mga kandidato ay ang mga programang magre-rehabilitate sa mga bilanggo upang makapagbagong-buhay ang mga ito. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji