ATLANTA (AP) – Nais ni Nigerian princess Modupe Ozolua na tulungan ang mga survivor ng mga pag-atake ng militanteng grupo na Boko Haram sa pamamagitan ng isang fundraiser sa Atlanta.

Lilikom ng pera si Ozolua para tulungan ang mga biktimang nawalan ng tirahan sa kanyang inaugural “Rise Above Terror” African Art Gala ngayong Sabado. Umaasa siya na makatulong ang pera sa pagpapatayo ng mga paaralan, bahay at pagkakaloob ng medical relief at pagkain sa milyun-milyong naiipit sa mga sinunog na pamayanan.

Si Ozolua ay isang prinsesa mula sa Benin Empire sa southern Nigeria.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina