LOS ANGELES (AP) — Magbabalik-bayan si Luke Walton para ayusin at ibalik ang respeto sa Los Angeles Lakers.

Ipinahayag ng Lakers management ang pagkakasundo kay Walton, assistant coach ng Golden State, para gabayan ang batang koponan ng Lakers sa bagong panahon matapos ang pagreretiro ng star player na si Kobe Bryant.

Kinuha ng Lakers ang serbisyo ni Walton may limang araw matapos sibakin si Byron Scott, nagtala ng pinakamasamang season sa kasaysayan ng 16-time NBA champions.

Naglaro si Walton sa Lakers ng siyam na season, kabilang ang dalawang kampeonato. Tatlong taon matapos magretiro, balik Hollywood ang 36-anyos na forward para maging ika-26 head coach ng pamosong prangkisa.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

"We're excited to bring Luke back to Los Angeles, where we feel he's going to start an outstanding coaching career," pahayag ni Lakers general manager Mitch Kupchak, pumili kay Walton sa rookie drafting may 13 taon na ang nakalilipas.

"I'm incredibly happy for Luke," sambit ni Golden State coach Steve Kerr. "As we witnessed earlier this season, he has all of the intangibles necessary to be an outstanding head coach in this league, including a terrific understanding of the game the ability to communicate with a wide range of people. He's certainly ready for this opportunity and I'm confident he'll do a great job with the Lakers once our season is complete."