Nalamog ang katawan ng isang rider matapos sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa A. Bonifacio Avenue sa Marikina City, nitong Huwebes ng gabi.

Minamaneho ni Raymond Mina de la Cruz, 23, ang kanyang Yamaha motorcycle pakanluran sa Bonifacio Avenue nang magulungan ng kanyang sasakyan ang isang bahagi ng kalsada na may nakakalat na buhangin.

Nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo, bukod pa sa mabilis ng takbo nito, sumalpok ang Yamaha ni De la Cruz sa isang konkretong poste, dahilan upang siya ay tumilapon nang ilang metro.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue 161.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Kasalukuyang nakaburol ang biktima sa Ka Andres Funeral Parlor, ayon sa pulisya. (Aric John Cua)