Napanatili ng University of the Philippines ang impresibong depensa upang magapi ang University of Santo Tomas, 3-0, at makausad sa UAAP Season 78 men’s football finals sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nakamit ng top-ranked Fighting Maroons ang ikapitong sunod na panalo, ngunit nais ni coach Anto Gonzales na maibigay ang kanilang best game sa darating na one-game championship.

“We don’t think about that streak. We are trying to improve in every passing game and that’s we are going to work on in the next game,” pahayag ni Gonzales.

Naghahangad na mabawi ang titulong huli nilang nahawakan noong 2013, makakasagupa ng UP ang mananalo sa pagitan ng De La Salle at Ateneo sa kampeonato sa Mayo 5.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Dalawang rookies sa katauhan nina Kyle Magdato at King Miyago ang umiskor ng unang goal para sa UP sa tulong ni Daniel Gadia sa ika-22 at ika-37 minuto.

“Well that’s what can you get from Gadia. Winning the ball and his tenacious play,” sambit ni Gonzales.

(Marivic Awitan)