Abril 30, 1948 nang ilunsad ang unang modelo ng all-terrain vehicle na Land Rover, na noon ay tinawag na “Series 1”, sa Amsterdam Motor Show.

Mula sa konsepto ng Rover head designer na si Maurice Wilks, ang sasakyan ay ginagamitan ng 1.6-liter engine at isang Jeep chassis. Nagkakaroon ng problemang mekanikal si Wilks sa pagmamaneho ng Jeep noon.

Ang four-wheel vehicle na ito ay ibinenta bilang alternatibo sa mga traktora, taglay ang disenyong boxy at may canvas roof.

Umani ng mga positibong komento mula sa publiko ang “Series 1”, na hindi lamang nagamit sa agrikultura, kundi maging sa police at military operations na kailangang sumabak sa mababatong kalsada.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang mas pinaunlad, mas komportableng modelo ng Land Rover, ang Range Rover, ay inilunsad noong 1970. Ang ika-isang milyong Land Rover ay binuo sa Birmingham, England noong 1976.