uaap copy

Laro ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

4 n.h. -- Ateneo vs La Salle

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Dangal at karangalan, nakataya sa DLSU-Ateneo ‘do-or-die’ tilt.

Limang taon. Tatlong Most Valuable Player. Dalawang kampeonato.

At sa ganap na 4:00 ng hapon, tatangkain ni Alyssa Valdez at ng Lady Eagles na makopo ang ‘three-peat’ sa pakikipagharap sa La Salle Lady Spikers sa ‘do-or-die’ championship game ngayon sa Araneta Coliseum.

Tangan ang momentum na kanilang nakabig matapos ang came-from behind five-setter win sa Game Two, masasabing liyamado ang defending champion sa pakikipagtuos sa mahigpit na karibal na La Salle belles sa krusyal na sandali ng torneo.

Inaasahang mapupuno ng mga tagahanga at tagasuporta ang Big Dome para saksihan ang pinananabikang hangganan ng duwelo ng dalawang pinakapamosong koponan sa bansa.

Higit ang pressure para kay Valdez, tinanggap ang ikatlong MVP award bago pangunahan ang Lady Eagles sa pagsibak sa karibal sa Game 2 nitong Miyerkules sa MOA Arena, bunsod na rin ng katotohanan na ito ang huling taon niya para sandigan ng Ateneo.

Ayon sa league 3-time-MVP, hindi sapat na sandigan ang momentum dahil inaasahan nilang magsisikap bumawi ang Lady Spikers dahil iisa sila ng hangarin.

“It’s really the end goal of the team [that matters],” pahayag ni Valdez. “We have to go back and train and prepare physically and mentally.”

Sinegundahan ito ng kanyang Fil-Kiwi teammate na si Amy Ahomiro na nagsabing kailangan nila ng sapat na tiwala sa kakayahan ng bawat isa upang maisakatuparan ang kanilang misyon.

“The momentum is with us now. But like I said, we just need to have confidence in ourselves and as a team,” sambit ni Ahomiro.

Sinabi din ng league Best Server at Best Scorer na si Valdez na kailangan nilang ituloy kung hindi man higitan lahat ng nagawa nila sa Game 2.

“We have to remember the things we did right,”ayon kay Valdez, nagposte ng inspiradong 34 na puntos para pangunahan ang Ateneo sa matikas na pagbangon mula sa 0-2 pagkakadapa para maipanalo ang laban sa limang set.

“We have to analyze all the things we did wrong and try to fix them during training,” aniya.

Sa panig ng Lady Archers, bagamat nabigo, hindi nila hahayaang maapektuhan at tuluyang igupo ng nadaramang kalungkutan upang muling makipagsabayan sa Lady Eagles sa pinakamahalagang laban nila ngayong season.

“Everyone talked and they don’t want to put this one year of hard work down the drain,” pahayag ni La Salle board representative Nonong Calanog na nagsalita para sa Lady Spikers na hindi pinahintulutang makipag-usap sa media ni coach Ramil de Jesus matapos ang Game Two ng series.

Sa halip na magpakalunod sa sakit ng kanilang pagkabigo, sisikapin ng Lady Spikers na bumawi sa susunod na laro sa pamamagitan ng pagtatama sa mga maling kanilang nagawa.

“There’s nothing we can do but go back and play,” ayon pa kay Calanog. “We have to see what areas need improvement. Hopefully, we can make the adjustments.”

Sasabak ang La Salle na buo ang line-up matapos bigyan ng ‘go signal’ si Ara Galang para maglaro. Sa pagsusuring ginawa sa pamosong hitter ng La Salle nagtamo lamang ng bugbog ang kanyang kanang tuhod.

“Makakalaro si Ara (Galang), parang nabugbog lang nang kaunti ‘yung left knee niya. Parang mild contusion lang,” sambit ni Calanog. (marivic awitan)