Pormal nang sisimulan ang sukatan ng lakas ng piling collegiate squads sa pagbubukas ngayon ng 2016 Fil-Oil Flying V Premier Pre-Season Cup sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

At bilang pagbibigay daan sa finals ng UAAP Season 78 women’s volleyball, iniurong ang oras ng opening ng liga sa 9:00 ng umaga mula sa orihinal na takda sa 2:00 ng hapon.

Nagkataong kapwa may laro sa opening ang men’s basketball teams ng dalawang finalists sa women’s volleyball ng UAAP na Ateneo at De La Salle at parehas pa ng television coveror ang dalawang liga- ang ABS CBN+Sports in Action kaya inurong ang dating nakatakdang opening sa umaga.

Mag-uumpisa ang torneo sa pamamagitan ng isang simpleng opening rites ganap na 9:00 ng umaga habang ganap na 10:00 naman sisimulan ang unang laro sa pagitan ng Adamson at La Salle.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Susundan ito ng sagupaan ng Ateneo Blue Eaglets at San Beda Red Cubs ganap na 12:00 ng tanghali bago ang huling laro tampok ang Ateneo Blue Eagles at University of the East Red Warriors sa 2:00 ng hapon.

Inaasahan ding gagamitin ng mga coach ng iba’t ibang koponang kalahok ang torneo para sa proseso ng pagbubuo ng kani-kanilang final line-up para sa UAAP at NCAA Season. (Marivic Awitan)