Sampung taon na pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kay dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel matapos mapatunayan itong guilty sa kasong katiwalian.

Nabatid sa Office of the Ombudsman na pinatawan ng guilty verdict ng Sandiganbayan si Miguel matapos nitong paboran ang isang kontratista sa pagkukumpuni ng public market ng Koronadal City noong 1995.

Tinukoy ng Sandiganbayan na inaprubahan lamang ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon para sa nasabing proyekto matapos maibigay ang kontrata sa awardee.

Habang nagpalabas na rin ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kontratista ng INDEX na si Gaspar Nepomuceno.

National

Pasikat pa more! Driver na wala na ngang seatbelt, nag-drifting maneuvers pa lagot sa LTO

“The truth was, accused Miguel had, from the very beginning favored only Nepomuceno and that all efforts were made so that the consultancy services will be awarded to the latter,” saad sa 22-pahinang desisyon. (Jun Fabon)