Suportado si Liberal Party (LP) senatorial candidate Leila de Lima ng sektor ng kabataan nang manguna siya sa hanay ng mga kandidato sa pagkasenador sa survey na isinagawa sa iba’t ibang unibersidad.

Nanguna ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) sa mga survey sa Ateneo de Naga; pangalawa sa University of Santo Tomas, Holy Angel University sa Angeles City, Xavier University in Cagayan de Oro City, University of the Philippines-School of Economics survey; at pangatlo naman sa UP Manila at Ateneo de Manila University.

“I would like to thank the students of Ateneo, UST, UP Manila and Diliman, Xavier University and Holy Angel University, and all other schools whose surveys were not published, for including me in their choices in their campus surveys. Indeed, I am humbled by these results,” ani De Lima.

Una nang inendorso si De Lima ng Kabataan Party-list, na binubuo ng College Editors Guild of the Philippines, League of Filipino Students, Anakbayan, at National Union of Students of the Philippines,. (Leonel Abasola)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente