Tinatalakay ng Pilipinas ang coordinated naval patrol sa maritime borders nito sa Mindanao kasama ang Indonesia at Malaysia para protektahan ang mga sasakyang pandagat matapos ang mga pag-atake at pagdukot ng mga Abu Sayyaf.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Jose Rene Almendras nitong Huwebes na ipinanunukala ng Pilipinas ang magkakahiwalay ngunit magkakatugmang pagpapatrulya upang matukoy ang mga ligtas na ruta na maaaring maglayag ang mga barko.

Noong nakaraang linggo, nanawagan ang Indonesia ng joint maritime patrol kasama ang Pilipinas at Malaysia. Ito ay kasasangkutan ng mga barko ng tatlong navy na magkakasamang nagpapatrulya at tatawid sa territorial waters ng bawat bansa.

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng tatlong bansa sa Jakarta sa Mayo 5 para talakayin ang operasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“The issue is safety and security,” sabi ni Almendras. (Reuters)