KALIBO, Aklan – Handa na ang buong Aklan sa eleksiyon sa Mayo 9, idineklara ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa lokal na Comelec, nagdaos na sila ng final coordination meeting kasama ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Bagamat walang idineklarang areas of concern sa lalawigan ay patuloy pa rin na magiging alerto ang mga awtoridad sa araw ng botohan.

Sinabi ni Atty. Hazel Palencia, bagong talagang Comelec officer sa Kalibo, na dumating na ang vote counting machines sa Aklan at ipamamahagi ito isang araw bago ang eleksyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ngayong eleksiyon, makakasama ng Comelec sa unang pagkakataon ang Municipal Disaster Risk Reduction Offices, Department of Health at Philippine Red Cross sa pagbibigay ng emergency medical assistance sa mga botante.

(Jun N. Aguirre)