NANGAKO ang mga may-ari ng planta ng enerhiya sa Department of Energy (DoE) na magagamit ang supplay ng kuryente sa Mayo 9, araw ng eleksyon.
Ang mga brownout sa araw ng eleksyon ay hindi magaganap na siyang maaaring maglagay sa panganib ng kapayapaan at demokrasya ng bansa.
Samantala, ang kampo ng nangungunang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay hinahamon ang kanyang mga katunggali na buksan ang kanilang mga bank accounts dito sa Pilipinas at abroad.
Gawin natin ito para sa transparency at accountability, ani ni “The Punisher” Duterte.
“All power generators will be running at full capacity during the elections except for the 180-megawatt Kalayaan 4 which extended its maintenance until May 14, 2016,” pagkukumpirma ng DOE sa publiko ayon sa kanilang pormal na anunsyo.
Walang magaganap na power outages na maaaring makasabutahe sa eleksyon, depensa ng departamento.
Ayon naman kay Energy Secretary Zenaida Y. Monsada, siya at ang mga opisyal ng generation companies (GenCos) ay nagpulong na noong nakaraang Lunes upang pag-usapan ang kanilang mga plano at commitments para sa kritikal na panahon ng eleksyon.
Walang dapat mabigyan ng panahong mandaya, aniya.
Ang mga planta ng enerhiya ay nangakong rerepasuhing muli ang mga naka-schedule na maintenance services at kung kalian mismo ito maibabalik – isang linggo bago at isang linggo pagkatapos ng prohibisyon ng election-linked plant.
Positibo ang mas pinahusay na pamamalakad at mabisang operasyon ng mga planta sa panahong kritikal.
“We are nearing completion of preparations to ensure the readiness of the systems and power stakeholders who have roles to play (on) election day,” pahayag ni Monsada.
Pagtitiyak ang pinakamahalaga. Ready, get set, go!
Ayon din sa DoE, ang energy efficiency (EE) at pagkonserba ng enerhiya ay kabilang sa listahan ng mga pagpipilian na obserbahan na inilalatag ng departamento.
Ang mga customers na malaki ang konsumo, tulad ng mga malls, ay dapat magtalaga ng sarili nilang cooling system na may temperaturang 25 degrees centigrade, pagpapayo ng DoE. (Fred M. Lobo)