Maraming klase ng sports drinks ang kani-kaniyang paraan ng pag-eendorso ng mga bitamina at electrolytes na taglay nito, at sinasabi ng mga gumagawa nito na malaking tulong ang kanilang produkto sa mga nagwo-workout. Ngunit, ang sports drinks nga ba ay mas mainam kaysa sa tubig lamang?

Ayon kay Lauren Popeck, isang registered dietitian sa Orlando Health, Florida, tubig ang pinakamabuting pang-hydrate ng katawan tuwing nagwo-workout. Ngunit kung ikaw ay nag-eehersisyo na ng higit pa sa isang oras, maaari ring subukan ang sports drink, lalo na kung ikaw ay pinagpapawisan na ng maigi, dahil ang electrolytes ay nawawala sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapawis, aniya.

“It’s really after that long time of sweating that they might need that sports drink to help them replenish [electrolytes],” sabi ni Popeck sa Live Science. [http://www.livescience.com/38553-staying-hydrated-in-the-heat.html”>13 Tips for Staying Hydrated in the Summer Heat]

Ang electrolytes, kasama ang sodium at potassium, ay maaaring makaapekto sa kung gaano karaming tubig ang mayroon sa ating katawan at pati na rin sa pagkilos ng ating muscles. Kung bababa nang husto ang bilang ng electrolytes sa ating katawan, maaari itong magdulot ng muscle cramps at sakit sa ulo.

National

Pasikat pa more! Driver na wala na ngang seatbelt, nag-drifting maneuvers pa lagot sa LTO

Kung ikaw ay pipili ng sports drink, ito ay dapat na nagtataglay ng sodium at potassium, kasama na rin ang carbohydrates, na siyang nagbibigay ng lakas sa ating muscles na magpatuloy sa pag-eehersisyo. Pagkatapos ng isang oras na ehersisyo, kakailanganin ng ating katawan ng 20 ounces ng tubig upang manatiling hydrated, dagdag pa ni Popeck.

Ngunit huwag mong isipin na kinakailangan mong umasa sa sports drink para sa mahabang ehersisyo. Ang sodium at potassium ay malimit na matatagpuan sa iba’t ibang pagkain, kung kaya’t ang pagkakaroon ng well-balanced meal pagkatapos ng pag-eehersisyo ay makatutulong upang maibalik ang electrolytes at iba pang nutrients. Halimbawa na lamang ang gatas na nagtataglay ng potassium, carbohydrates, at protein na makatutulong sa pag-recover mula sa pag-eehersisyo. Ang saging at applesauce ay mainam ring pagkunan ng electrolytes at carbs.

Mahalaga ring ikonsidera na ang sports drinks ay kadalasang nagtataglay ng maraming asukal, kaya ang pag-inom nito ay mas nagpapahirap sa mga nais magpapayat. Sa ganitong kadahilanan, ang mga nag-eehersisyo upang magpapayat ay mas hinihikayat na uminom na lamang ng tubig o reduced-calorie sports drinks.

Subalit sa kabila ng mahabang panahong pag-eehersisyo, ang sports drinks ay hindi inirerekomenda para sa regular hydration. Ayon kay Popeck, “There’s no place in a healthy diet for consuming drinks that have sugars in them. That would just add extra calories and could contribute to weight gain.”

Ang tagubilin na kabuuan ng water intake sa bawat araw para sa mga taong hindi nag-eehersisyo ng pangmatagalan ay siyam na cups o 2 liters para sa mga babae at 13 cups o tatlong litro para sa mga lalaki. (LiveScience.com)