CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Ilang lugar sa Pampanga ang makararanas ng hanggang 12 oras na power interruption sa Linggo, Mayo 1.
Batay sa advisory na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), maaapektuhan ng 6 a.m. hanggang 6 p.m. ng itinakdang brownout ang mga lugar na sineserbisyuhan ng Pampanga I Electric Cooperative, Inc. (PELCO I); Pampanga II Electric Cooperative, Inc. (PELCO II) at Pampanga Rural Electric Service Cooperative, Inc. (PRESCO).
Binanggit ni Ernest Vidal, NGCP Central Luzon Corporate Communications and Public Affairs officer, ang mga apektadong lugar na kinabibilangan ng Arayat, Candaba, Magalang, Mexico, San Luis, Sta. Ana, Bacolor, Sasmuan, Guagua, Sta. Rita, Mabalacat at Porac.
”There will be a preventive maintenance activity of power equipment at Mexico Substation, Pampanga, simultaneous with line maintenance works along Mexico-Clark 1 & 2 transmission line,” paliwanag ni Vidal.
Ayon sa kanya, kaagad na magbabalik ang normal na operasyon matapos nilang makumpleto ang trabaho. (PNA)