Workaholic (1) copy

Lingid sa ating kaalaman, ang karaniwan nang pagtatrabaho hanggang gabi ay nakasasama sa ating puso at maaari pang magtaas ng posibilidad ng pagkakaroon ng coronary heart disease, isang sakit sa coronary arteries. Ito ang resulta sa pinakabago at isa sa pinakamalaking cooperation studies sa Amerika sa ilalim ng pamumuno ni Eva Schernhammer ng epidemiology division ng MedUni Wien, kung saan ay nailathala sa top journal ng JAMA. Ang unang manunulat nito ay si Celine Vetter ng Harvard University sa Boston.

Ayon sa datos, humigit-kumulang 240,000 na nars na nagtatrabaho sa umaga at gabi na may iregular na interval sa loob ng limang taon ang siniyasat ng USA. Ang naging resulta: ang mga nars na nagtatrabaho rin sa gabi ng mahigit sampung taon ay may 15 – 18 bahagdan na panganib sa pagkakaroon ng coronary heart disease kaysa sa mga walang nightshifts.

Subalit, ang panganib ay tumataas lamang matapos ang limang taon na pagtatrabaho ng nightshift.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ito rin ay nakaaapekto sa mga babaeng malulusog at tinatayang walang sakit bago pumasok sa trabahong pang-nightshift. Ayon din sa mga nakaraang pag-aaral, ang MedUni Vienna epidemiologist mula sa Centre for Public Health ay nakapagpakita kasama ang kaniyang research group sa Harvard Medical School na maliban sa kasamaan nito para sa puso, ang breast at bowel cancer, diabetes o hypertension at ang labis na katabaan ay tumataas din ang panganib para sa mga nagtatrabaho ng nighshift.

Kalaunan, ang mga mananaliksik ng Centre for Public Health ng MedUni Vienna ay napatunayang ang panganib ng pagkakaroon ng coronary heart disease ay bumababa ng tuluyan kung ang mga kababaihan ay lilipat sa trabahong eksklusibo lamang sa dayshifts o di kaya’y magdesisyon nang magretiro.

‘Mini-Jet-Lag’: Sa mga pagbabago ng night at dayshifts Sa kadahilanang ito, inirerekomenda ng mga scientist na ikonsidera ang listahan ng mga tungkulin para sa nighshift upang makapagmungkahi ng company-internal health checks na maaaring makasugpo rito. Bagkus, posible rin ang pagkonsidera sa “Chrono type” ng empleyado habang nasa proseso pa ng pag-hire dito.

Dagdag pa ni Schernhammer: “ Approximately 15% of the population are evening types and 20% or more are morning types. The rest are mixed types.” Ang mga senisitibo naman ay maaaring makaranas ng “mini jet lag” kasabay na rin ang sleeping disorders tuwing may biglaang pagbabago sa night at dayshifts. (MedicalNewsToday.com)