Muling nagkaaberya ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos tamaan ng kidlat ang isang transformer ng Meralco malapit sa Pasay depot, sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay LRT Operations Director Rodrigo Bulario, naapektuhan ang biyahe ng tren dahil sa mababa at limitadong supply ng kuryente matapos sumabog ang transformer na nagbibigay ng elektrisidad sa LRT Line 1 depot sa Pasay City.

Nawalan ng kuryente ang mga tren at gumamit ng karagdagang supply ng kuryente sa pamamagitan ng isang rectifier.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagdulot ng matinding pagkaantala sa operasyon nito dahil tumagal ng halos 15-minuto mula sa karaniwang tatlong minuto ang pag-akyat ng isang tren sa riles bago ito bumiyahe.

Pasado 9:00 na ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT 1 makaraang maisampa sa riles ang 28 tren nito.

Libu-libong pasahero naman ang naperhuwisyo sa aberya habang ang karamihan ay nagtiyaga na lamang sumakay sa mga pampasaherong jeep upang hindi maantala sa pagpasok sa trabaho. (Bella Gamotea)