Dismayado si Basilan Bishop Martin Jumoad sa kabiguan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magampanan ang kanilang misyon na mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao.

Ito'y matapos pugutan ng bandidong Abu Sayyaf ang Canadian na si John Ridsdel na kanilang binihag at pinatutubos ng P300 milyon.

Ayon kay Jumoad, maraming mamamayan na ang nadismaya at nababalot sa takot dahil sa patuloy na karahasan na magpahanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyunan ng pamahalaan, partikular na ng AFP.

“Well it is a sad reality and then the people are saying ‘Paano na ba ito? Bakit nagkakaganito? Saan na ba ang military? Saan na ba ang policemen? saan na ba sila? Bakit nagkaganito?’ So this is a general statement but the ang masasabi ko, hindi talaga,the military is not really doing well their work yun lang ang masasabi ko, because the people are frustrated and then they will just smile as if they were saying, sa kanila na lang yun…” pahayag ni Jumoad sa panayam sa Radio Veritas.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Matatandaang una nang hinamon ng obispo ang pamahalaan na suriin ang kakayahan ng mga nagtapos sa mga military at police academies sa bansa sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang nabubuwag ng AFP ang grupong kriminal at rebelde sa bansa.

Batay sa tala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Mindanao, umaabot na sa 60,000 ang nasawi habang P6 na bilyon ang pondong nailaan para sa pagtugis sa mga bandido at rebeldeng grupo sa rehiyon. (Mary Ann Santiago)